
Ipinagtanggol ng batikang direktor na si Manny Castañeda ang TV host-actress/viral YouTuber Toni Gonzaga matapos itong batikusin dahil sa pagpapakita ng suporta kay presidential bet at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Pagdepensa ni Direk Manny sa kanyang social media post, marami daw mga artista na kagaya ni Toni ang hindi boboto kay Vice President Leni Robredo pero tahimik lamang daw ang mga ito.
“Tulad ni Toni Gonzaga, maraming mga artista at mga taga showbiz ang hindi boboto kay Leni Robredo pero tahimik lamang sila dahil sa mga pinklawan na masyadong agresibo, palaaway at saksakan ng bastos,” saad ng direktor.
“At kapansin pansin din na lalong dumadami ang mga artista na umaayaw kay Leni dahil sa mga masasamang ugali ng mga pinklawan,” dagdag pa ni Direk Manny.
More Stories
ISKO, SV, IBA PANG KANDIDATO, PINAGPAPALIWANAG NG COMELEC SA UMANO’Y VOTE BUYING
DZRH Reporter sa Baguio, Binantaan umano ng Mayor ng Abra
Lalaki sa Antipolo binaril sa ulo, tigok