![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2025/02/image-28.png)
HINIMOK ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang lahat ng stakeholders sa judicial system na manatiling matatag sa kanilang misyon na lumikha ng isang mas makatarungan, rehabilitative, at makataong correctional system
Sa kanyang talumpati sa closing ceremony at bilang isa sa resource persons sa Side Event on Jail Decongestion ng Supreme Court, na bahagi ng Philippine Open Government sa Grand Hyatt, Manila, sinabi ni Catapang na bagaman nagawa nilang bawasan ang congestion rate sa kanilang mga pasilidad mula 332% noong 2023 hanggang 248% noong 2024, ay hindi pa rin tapos ang kanilang tungkulin.
Nalulungkot pa rin siya na kahit nagawa nilang palayain ang 700 hanggang 1,000 person deprived of liberty sa loob ng isang buwan, ay mayroon namang 1,000 hanggang 2,000 bagong PDLs ang pumasok. Gayunpaman, ipinagmamalaki niya sa audience na walang naitalang human rights violations sa ilalim ng kanyang area of jurisdiction.
“The pressing issue we gather to address is the urgent need for jail decongestion. This challenge is not just a statistic; it is a clarion call for our collective action toward a more equitable and effective system,” ayon kay Catapang.
Dagdag pa niya na ang konsepto ng decongestion ay hindi lamang isang isyu ng pisikal na espasyo, kundi isang mas malawak na paglapit sa criminal justice reform. Dapat itong isama sa pagtugon sa mga ugat ng dahilan ng pagkakakulong, tulad ng kahirapan, kawalan ng edukasyon, at mga problema sa kalusugan.
“By taking decisive action, we will be able to achieve the needed physical reform and we can create an environment where individuals have the chance to reclaim their life,” ayon kay Catapang.
More Stories
Perya-sugalan sa Tikling, Taytay, Rizal aprobado ba ni Mayor Allan de Leon?
Phase 1C multipurpose building, bunuksan na
Kelot na may bitbit na baril habang gumagala sa Navotas, timbog