November 23, 2024

Marami ang tutol sa ‘No Election’ sa 2022

Kumusta ang buhay mga Cabalen? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Talakayin natin ang balak ilatag ng COMELEC. Ito ay ang ‘no election’ sa taong 2022.Ano po ang masasabi n’yo rito? Tila isinangkalan ng ahensiya ang COVID-19 para ikasa ang no election.

May punto rin naman. Pero, nabubutasan ng ilan. Sa halalan kasi mabibigyan ng pagkakataon ang ating mga kababayan na makabawi.

Kapag nagkataong natuloy, tatagal ang mga nakapuwesto sa kanilang posisyon. Bagay na ayaw ng ilan. Lalo na ang balak makabalik sa kapangyarihan.

‘O ang iba ay nagnanais umupo sa gustong posisyon. Isa pa, hindi ma-i-execise ang karapatan ng mga mamamayan na bumoto.Ngunit, kung patuloy pa rin mamamayagpag ang pandemya, may ba katuwiran ang COMELEC na ipagpaliban ang halalan?

Ayon sa mga election lawyers, watchdogs— maging ang kongresista’t senador ay nanindigan na wala sa hulog ang ‘no election;.Anila, walang legal na paraan para hindi ito ituloy. May pandemya man o wala.

Kaugnay dito, pumalag ang Makabayan bloc sa planong ito. Gayundin ang ACT Teachers party list at Bayan Muna.

Maraming masasagasaan ang no election. Tiyak na aalma rito ang publiko. Payo nga ni election lawyer Romulo Macalintal sa Comelec, pag-aralan mabuti ang panukalang pagpapaliban sa eleksyon.

Bakit hindi raw gayahin ang sistema ng nakatakdang halalan sa Amerika sa Nobyembre. May paraan naman di ba mga Cabalen?

Pero, kung may mabigat na rason, pwedeng ipagpaliban ang election. Iyan ay kung may banta ng terorismo, pagkasira ng mga records, destruction at force majeure.

Kayo mga Cabalen, sangayon ba kayo na postpone muna ang halalan sa 2022?