ITINANGGI ng anak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na itinalaga ng kanyang ama si dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas bilang kalihim ng Department of Agriculture.
Ito ang ibinunyag ni Marcos sa komento sa post ng kolomnistang si Mark Lopez.
Ni-repost kasi ni Lopez sa Twitter ang column ni dating Ambassador Rigoberto Tiglao.
Mababasa sa post ni Tiglao na, “a very apolitical source told me that it was Roxas who disclosed his coming appointment to a group of friends very recently.”
Komento naman ni Lopez, “Eto na…. Eto na…
Gayunpaman, nag-reply si Marcos sa tweet ni Lopez at sinabing: “Sorry Mark but this isn’t true in the slightest” Bilang tugon, sinabi ni Lopez na, ““This has been a lingering rumor Cong… Thank you very much Sir for this very CATEGORICAL denial.”
Kumakalat kasi ang balita na itatalaga si Roxas bilang secretary ng DA.
Si Rosax ang second cousin ni First Lady Louise Araneta-Marcos.
Kasalukuyang si Pangulong Marcos Jr. ang humahawak sa DA.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA