REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang pintor nang tangkaing tuhugin ang dalagitang anak ng kinakasama matapos pumalag ang biktima nang maramdaman ang kalaswaang ginagawa sa kanya ng suspek sa Malabon City.
Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to R.A. 7610 o ang Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination ang suspek na si alyas “Jonard”, 18, ng C-4 Road, Brgy. Tañong.
Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ni P/SSg Mary June Belza ng Malabon Police Woman and Children Protection Desk (WCPD) na natutulog ang 15-anyos na biktimang itinago sa pangalang “Marimar” sa loob ng kanyang silid nang maalimpungatan matapos maramdamang may humahalik sa kanyang labi at sumasalat sa kanyang ari dakong alas-2 ng madaling araw.
Nang buksan ng dalagita ang flashlight ng kanyang cellular phone, nakita niya ang amaing hilaw na nakahiga sa kanyang tabi na nangangamoy alak at nagkunwaring natutulog.
Umiiyak naman na isinumbong ng dalagita sa kanyang ina ang kalaswaang ginawa sa kanya ng suspek na dahilan upang isama niya ang anak sa barangay at pulisya para magreklamo.
Kaagad namang nadakip ang suspek ng mga tanod ng Barangay Tañong, kasama ang mga tauhan ng Malabon Police Sub -Station 6, dakong alas-12:20 ng Lunes ng madaling araw sa kanilang tirahan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA