January 15, 2025

MANOK NG BAYAN MAY SORPRESA’ KAY ONYOK


HINDI  man kabilang sa mga nag-pledge noon, naipadama pa rin ng ‘Manok ng Bayan’ kay 1996 Atlanta Olympics silver medalist Mansueto “Onyok” Velasco Jr. ang kahalagahan ng karangalang naialay niya sa bayan.

Ito ang nakabibilib na gesture ng pamunuan ng  Chooks- to-Go sa dating Olympic hero.

Nagbalik-gunita ang lahat, maging ang kabiguan ng pamahalaan noon at pribadong sektor na maibigay ang mga pangakong insentibo sa Olympian boxer matapos ang matagumpay na kampanya ng Team Philippines sa katatapos na Tokyo Games.

“Noong manalo ako ng silver sa Atlanta Olympics, yung mga hindi natupad ay ang  pangako ng Congress noon na 2.5-million pati iyong sa Philippine Navy na scholarship ng dalawang anak ko. Merong bahay  pero wala pang titulo. Nangako rin ng 10,000 monthly na lifetime pero isang taon lang ang binigay sa akin,” pahayag ng 47-anyos na pride  ng Bago, Negros Occidental.

Ang isiniwalat ni Onyok ay kumurot sa puso ni Chooks-to-Go president Ronald Mascariñas.

Nitong nakaraang  Biyernes, personal na ipinagkaloob ni Mascariñas kay Velasco ang simpleng regalo nang imbitahan ang boxing icon sa kanyang  tanggapan.

Isang sariling  Chooks-to-Go store na matatagpuan sa Litex Road, Quezon City malapit sa tahanan  ni Onyok  ang kaloob ng sportsman/businessman.

“Natutuwa akong makita ang buhos ng parangal at gantimpala mula sa pamahalaan at  pribadong sektor sa mga atletang nagbigay ng karangalan sa bansa nitong nakaarang Tokyo Olympics . Ngunit may isang matagal nang pangakong tila nakalimutan na and we’d like to be part of the solution first before we join the celebration of our recent sports heroes  ,” pahayag ni Mascariñas.

“We’re giving one Chooks-to-Go store to Onyok because as a Filipino we owe it to him for bringing honor to our country.”   May kaloob din ang sikat na  kumpanyang  manok na biyayang P100, 000 para  sa  muntik nang limot na bayani.

“Pinapunta ako  ni Sir Ronald  sa office niya at dalhin ko raw ang silver medal ko. Hindi ko alam kung bakit . Yun pala may surprise sa akin. Kala ko nga nanalo din ako sa Tokyo Olympics sa kaloob sa akin ng Chooks-to-Go,” sambit ni Velasco. “

  Saludo sa Chooks-to-Go.Kaya nga success story si G.Mascariñas dahil di lamang mga almost  forgotten heroes ang natutulungan kundi maging mga kababayang gumagawa ng makabuluhan para sa bayan sa kasalukuyan..GO CHOOKS! Para sa reaksiyon: 09199845253.