Napasakamay na ni dating senador Manny Villar ang TV frequency ng ABS-CBN 2. Kasama na rin dito ang radio frequency na AM man at FM.
May ilan sa mga kababayan natin ang nagtaas ng kilay. Bakit daw nagkaganun. Akala raw nila galit si Pangulong Duterte sa mga ‘oligarchs’? ‘E ngayon, bakit oligarch din sa katauhan ni Villar ibinigay ang frequencies?
Anong masama run? Dumaan naman sa proseso yun. Bakit hinahalungkat ng iba ang bidding? Susme, ano bang frequency ng isang network? Pag-aari po ‘yan ng gobyerno at isang pribelihiyong ipinagkakaloob sa sumusunod sa batas. Bakit lalahatin ng iba. Kapag ba oligarch, masasamang tao na?
Tungkol sa oligarch, sarado ang isip ng iba. Ang tinutukoy ng Pangulong Digong ay mga magnanakaw na gayun. Mga mandarambong, sakim at di sumusunod sa batas.
Hindi ito hidden agenda at tama lang na ipagkaloob ang frequency dahil nakatengga. Kung makababalik ang ABS-CBN, ibang frequency na ang magagamit nila. Hindi kasama sa pagkamada ng gayun ang equipment at mga tauhan ng dos. May mga tauhan na at equipment si Villar para mag-operate at mag test broadcast sa loob ng 18 buwan.
May mga nagsasabi rin na ano raw ba ang alam ni Villar sa pagpapatakbo ng network? Bilyonaryo ‘yan at hindi tanga. Magiging ganyan ba siya kung mangmang. Natural na kukuha ng mga tauhan yan at yun ang mamamahala sa istasyon.
Huwag nang bigyang kulay na pambayad utang na loob iyon. Huwag maghari ang inggit. Kaya di umuusad ang bansa dahil sa ganyan.
Sa pamamagitan niyan, magiging maganda ang healthy competition ng mga network. Mag-ge-genrate ito ng trabaho sa mga may kasanayan sa broadcasting. Gayundin ng iba pang skills na kakailanganin ng isang istasyon.
More Stories
Araw ni Rizal, Ginunita
Huling Tula ng Pambansang Bayani
ANG KANLURANGĀ DAGAT NG PILIPINAS