
Nakatakdang umupak muli sa lona si Manny Pacquiao kontra sa Korean YouTuber DK Yoo sa December. Ang martial artists na si Yoo ay maibibilang sa mga heavyweight vlogger sa Korea. Katunayan, mayroon siyang 654,000 sa YouTube.
Inanunsiyo mismo nito via short video na maghaharap sila ng Fighting Senator’. TInanggap naman ng 43-anyos na boxer ang hamon ng Koreano.
“DK Yoo, see you in the special event this coming December. God Bless and be safe,” ani Pacquiao. Inaasahang magaganap ang contract signing ng dalawa sa July 20 sa Manila.
Nagpasalamat ang senator kay Yoo sa maginoong pagtanggap ng kanyang hamon. Karangalan naman aniya kay DK ang makalaban ang aniyang ‘one of the fighters in the world’ sa lona.
More Stories
GSF MASTER CRISANTO CUEVAS AWARDEE SA GABI NG PARANGAL NG GILAS 2025
Petrolyo May Taas-Presyo sa Susunod na Linggo — DOE
Balik-Liderato? Sotto Kinausap ng Ilang Senador Ukol sa Senate Presidency