
May posibilidad na muling maglaban sina Manny Pacquiao ay Floyd Mayweather Jr sa susunod na taon. Kung sakali, ito na ang magiging farewell fight ng Fighting Senator.
Ayon sa source, maaaring gawin ang laban sa December o sa January 2022. Isa rin sa napipisil na venue ay ang Pilipinas, Middle East at America.
Mismong si Mayweather na ang nagsabi na baka maikasa ang rematch ngayong taon.
Kung uubra, nais ng mga Pinoy fans na makabawi si Pacquiao sa undefeated American boxer. Huling naglaban ang dalawa noong May 2. 2015 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas. Kung saan, nagging box office hit ito na mayroong 4.6 million PPV buys at $410 million revenue. Na itinuturing na highest-grossing PPV fight sa kasaysayan.
More Stories
Mayor Joel Ruma ng Rizal, Cagayan binaril sa harap ng publiko – patay agad!
PAMBANSANG PARANGAL PARA SA MGA REYNA NG SINING AT KULTURA
Bong Go, sinalubong nang buong giliw ng mga taga-Cainta!”