Ipinasara ng Bureau of Permit ang tatlong business establishment na matatagpuan sa Divisoria market dahil sa paglabag sa ordinansa ng siyudad. Napag-alaman ng Bureau of Permit na karamihan sa kanilang produktong ibinibenta ay may nakasulat sa packaging na “Manila, Province of China”. (Kuha ni NORMAN ARAGA)
IPINASARA ng alkalde ng Maynila ang tatlo na beauty product shop matapos magbenta ng mga produktong nakababastos sa soberanya ng Pilipinas.
Nagpadala ng pulis at tauhan ng Bureau of Permit ng Manila City Hall si Manila Mayor Isko Moreno upang ipasara ang nasabing mga tindahan sa Binondo at ipinaskilan ng “closed” sign dahil sa paglabag sa ordinansa tulad ng “misrepresentation”.
“Walang Binondo sa China. Ang Binondo, sa Maynila,” giit ng alkalde.
Isinagawa ang pagpapasara matapos ang panawagan ni PBA-Partylist Representative Jericho Nograles na i-blacklist ang Elegant Fumes Beauty Products Inc. na nakabase sa Binondo dahil sa paglalagay ng maling address.
Nakasulat sa kahon ng kanilang produkto na Ashley Shrine Keratin Treatment Depp Repair, ang address na “1st flr., 707 Sti Cristo St., San Nicolas, Manila Province, P.R China”.
“It is hard to dismiss this insult as a simple error,” ani ni Nograles.
“This incident must be investigated at the very least, and the manufacturer and importer should be blacklisted, as soon as legally permitted.”
Bukod pa riyan, wala rin daw maipakitang approval ng Food and Drug Administration ang mga nasabing negosyo. Hahanapan din ng mga karagdagang papeles at mayor’s permit ang mga nasabing businesses.
Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi dapat ito siniseryoso.
“Kalokohan po yan. Hindi po dapat pinapansin ‘yan dahil wala namang naniniwala na tayo’y probinsya ng Tsina,” saad niya.
“We are proud to be Filipino,” dagdag pa niya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY