January 24, 2025

Manila North Cemetery ikinando para sa Undas

Nagsagawa ng inspeksyon sina NCRPO Chief Major General Debold SInas, at Manila Police District (MPD) Director Gen. Rolly Miranda, kasama si Police Station 3 commander Police Lt. Col. John Guiagui. sa loob ng Manila North Cemetery upang ipaalala sa publiko na mahigpit ng ipapatupad at bawal ng dumalaw sa mga sementeryo simula sa Oct. 29 hanggang Nov. 4. Ayon kay Sinas kung may-magpumilit na pumasok ay kanilang pauwiin o arestuhin. (JHUNE MABANAG)

IKINANDADO na ang Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Manila nitong Miyekoles ng hapon alsinsunod sa kautugan ng pamahalaan na isara ang lahat ng sementeryo sa bansa para sa darating na Undas upang maiwasan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Babantayan ng pulisya at mga tauhan ng Manila North Cemetery habang ito ay pansamantalang nakasara upang arestuhin o pauwiin ang mga lalabag.

Samantala, papayagang makalabas-pasok ang mga naninirahan sa loob ng sementeryo at ang authorized persons outside residence (APORs).

Muling magbubukas sa Nobyembre 5 ang Manila North Cemetery, ang isa sa pinakamatanda at napakalaking sementeryo sa siyudad.