Magandang araw mga Cabalen. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.
Malayo pa ang 2022 national elections pero kanya-kanyang porma na ang mga politiko.
Bangayan dito, banatan doon. Sinisira na ang diskarte ng bawat isa. Well, ika nga ni John Travolta sa pelikulang ‘Face Off’, it’s a tactics. Fresh tactics na gasgas na kung tutuusin.
May kanya-kanya nang binbabalak ang bawat partido at kampo kung sino ang mamanukin nila sa halalan. Nagparamdam na si Sen. Tito Sotto. na ang posibleng runningmate ay si Sen Panfilo Lacson.
Maligoy naman ang wisy ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte. Ano ba talaga ang plano nito. Tatakbo bilang Pangulo o Bise?
May plano ring tumakbo ang Pambansang Kamao na si Senador Manny Pacquiao. Gayundin si dating Defense Secretary Gibo Teodoro. May balak din tumakbo si Rep. Alan Peter Cayetano at Bongbong Marcos. Yan ang nakalap natin source.
May sitsit din na tatakbo sa Pagka-Pangulo si Sen. Grace Poe. Ang posibleng running mate daw nito ay si Manila Mayor Isko Moreno. Sila raw ang dapat manok ng oposisyon na ipantatapat sa pambato ng administrasyon.
Wala na sa radar nila o ipipilit ang kandidatura ni Bise Presidente Leni Robredo. Kung magkakaisa ang dalawa, sila kaya ang isasabong ng 1Sambayanan sa 2022 elections?
Wala pa na namang malinaw na pahayag dito sina yorme Isko Moreno at ang senadora. Kaya abangan na lang natin mga Cabalen ang susunod na kabanata.
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA