January 28, 2025

Manila Mass Simulation Exercise para sa COVID-19 vaccination

Dinaluhan nina Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna kasama ang mga opisyal ng pamahalaang lokal sa isinagawang simulation exercise ng COVID-19 vaccination sa mga residente ng Tondo sa Isabelo Delos Reyes Elementary School ngayong Huwebes. (Kuha ni JHUNE MABANAG)

Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng Covid 19 vaccination mass simulation exercise para sa 1,000 community based target individuals.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ito ay bilang bahagi ng paghahanda para sa pagbabakuna sa mga taga-Maynila kontra COVID- 19.

“Hindi ako magsasawang mag-simulate nang mag-simulate. We must continue to pursue these exercises para magkaroon tayo ng muscle memory at mapadali ang pagpapabakuna once vaccines become available in the city,” pahayag ni Mayor Isko.

Isinagawa ang ikalawang simulation sa Isabelo delos Reyes Elementary School.

Matatandaang unang isinagawa ang simulation noong Enero 19 sa Universidad de Manila (UdM) Palma Hall.

Ilan sa mga hakbang na gagawin sa simulation ang:

  1. Checking of Vital Signs
  2. Screening and Verification
  3. Vaccination Proper
  4. Holding Area for Observation

Sa ngayon, nai-deliver na sa Maynila ang limang Haier HYC-390 refrigeration units na gagamiting storage sa mga bakuna ng AstraZeneca at Sinovac.