IKINASA ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP- Manila City Jail) at ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) ang greyhound operation sa Manila City Jail.
Isa-isang pinasok ang mga selda at kwarto ng mga Persons Deprived od Liberty (PDL) para makita kung may mga kontrabando, ba tulad ng sigarilyo, alak, iligal na droga at patalim o anumang matutulis na bagay ang nakatago dito.
Maging ang mga dingding, kisame at sahig ay sinuri rin upang masiguro na walang nakatago dito gayundin ang lahat ng lagayan ng mga PDL.
Ayon kay JO1 Elmar Jacobe, tagapagsalita ng Manila City Jail…sakaling ang isang PDL ay makitaan ng mga ipiangbabawal na bagay ay papatawan nila ito ng restriction tulad ng pagsususpindi ng dalaw at limitado na sila sa paglabasng selda.
Sakali naman makitaan ng iligal na droga ang kwarto ng isang PDL, siguradong madadagdagan ang kanilang kaso.
Layunin ng isinagawang operasyon na maging ligtas ang bawat selda kung saan sa kasalukuyan ay wala pa naman nakukuhang anumang iligal na droga, maliban sa Domino, Playcard, kutsilyo, hanger, sirang bentilador, kutsilyo, sandok, wire, screwdriver, philippscrew, plies, cutter, pira-pirasong maninipis na bakal, at iba pa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA