ISANG simbolo ng panibagong pag-asa at maipagmamalaki ng mga Manilenyo.
Ganito inilarawan ni Mayor Isko Moreno ang bagong ‘Golden Manila City Hall Clock Tower,’ na inihalintulad ngayon sa pamosong ‘Big Ben’ sa London.
Pinapinturahan ni Moreno ng kulay ginto ang nasabing clock tower na kapag tinamaan ng sinag ng araw ay nakagagawa ng puting liwanag at kislap habang sa gabi naman ay may calming effect dahil sa mga puting ilaw na lalong nagpapatingkad sa ganda nito.
Ayon pa sa alkalde, maasahan sa tamang oras ang relos nito dahil regular na minomonitor para naka-synchronize ito. Patuloy din aniyang pagagandahin ang golden clock para mas maging kaakit-akit sa mga mata ng residente, mga lokal at dayuhang turista.
Ang Golden Manila City Hall Clock Tower ang maituturing na pinakamalaking clock tower sa bansa sa taas na 100 talampakan na dinisenyo ni Antonio Toledo at naitayo noong 1930s kaya kahit sa malayong distansiya maging ng mga motorista ay makikita ang orasan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA