December 23, 2024

MANILA BAY PARA SA TAO

Tinuran ng mga opiyales ng GREEN PEACE – Kheven Yu, FOCUS ONTHE GLOBAL SOUTH – Joseph Purugannan, PANGISDA PILIPINAS – Pablo Rosales, at OCEANA ang problema ng mga mangingisda at sa kanilang pamilya sa Manila Bay at karatig probinsya at  bayan, sinasabing malaking purwisyo sa mga mangingisda ng mga kompanya na nagtatapon ng mga dumi partikular ng oil spill ng barkong MT TIERRA NOVA sa bayan ng Mariveles, Bataan na sanhi ng pagkalat ng langis sa Manila Bay at karatig bayan.

Tila hindi umano kinikilala ang sakripisyo ng mga maliliit na mangingisda partikular ang samahan PANGISDA PILIPINAS ni ka Pablo Rosales, ng kumpanyang naghasik ng mapaminsalang kemikal (Oil), partikular umano ang San Miguel Corporation na  may-ari ng naturang barko. Hindi sapat ang kakarampot na ayuda at karamihan ay walang biyayang natanggap.

Maliban sa barkong MT TIERRA NOVA, ay dalawang barko pa na MV MIROLA at MV JASON BRADLEY ay respobsable rin sa oil spill.

Hindi despersal ang solusyon, papanagutin ang may responsable sa oil spill. Sila umano ang tinurang Climate Criminal ng bansa.