January 12, 2025

Manila Bay Council itatatag-Cong. Tiangco

NAGHAIN ng isang panukalang batas si Navotas City Representative Toby Tiangco na magsusulong sa paglikha ng Manila Bay Management Council (MBMC).

Nakasaad sa House Bill No. 2926 na ang council ang dapat na mangasiwa, mamahala at kumontrol sa Manila Bay at bumalangkas ng pagkakaisa para sa proteksyon ng pangangalaga at pag-unlad ng baybayin.

Ang Manila Bay ay hanggang sa lungsod sa baybayin ng Metro Manila-Navotas, Manila, Pasay, Parañaque at Las Piñas maging sa probinsya ng Bataan, Pampanga, Bulacan at Cavite.

Ayon kay Cong. Tiangco, sa ilalim ng House Bill No. 2926, nagnanais ito na amyendahan ang Section 16 ng Philippine Fisheries Code, na nagbibigay sa MBMC na mangasiwa sa Manila Bay.

Ang MBMC ay kinabibilangan ng secretaries of agriculture and environment chair of the Metro Manila Development Authority at mga gobernador ng Bataan, Pampanga, Bulacan at Cavite.

Maibabalik lang ang kaayusan ng Manila Bay kapag ang mga ahensya ng gobyerno at ang mga lokal na pamahalaan ay susunod sa implementasyon ng mga polisiya at pamamaraan nito.