Nakikipag ugnayan na ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa pag-aresto sa mag asawang Tiamzon.
Ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas, natanggap na nila ang direktiba mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) na gumawa ng karampatang aksiyon para maneutralized ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon.
Sinabi ni Sinas, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Intelligence Group (IG) ang kikilos para sa pag-aresto Tiamzon couple.
Nitong Byernes, hinatulang guilty ng Quezon Regional Trial Court Branch 216 ang mag asawa na guilty sa kidnapping at serious illegal detention at pinatawan ng reculsion perpetua o hanggang 40 taon ng pagkakakulong.
Samantala, hinikayat naman ni Sinas ang mag asawa na sumuko na lang at harapin ang kanilang kaso.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA