
SINIMULAN na ng Bureau of Immigration (BI) ang pagtugis kay South Korean Na Ikhyeon, na nakatakas mula sa mga awtoridad.
Sa isang kalatas, ipinag-utos ni BI Commissioner Joel Viado ang manhunt laban kay Na, na tumakas kahit kasama ang kanyang abogado.
Ayon sa BI nagawang makatakas ni Na sa mga awtoridad matapos itong dumaan sa restroom ng korte.
“We are investigating if his counsel has knowledge of this seemingly pre-planned incident,” ani Viado.
Sinabi rin ng bureau na inihahanda na rin ang kasong kriminal at administratibo laban sa BI escorts bilang bahagi ng one-strike policy sa mga palpak na empleyado.
Tinanggal na rin ang apat na contractual personnel dahil sa posibleng kapabayaan, ayon sa BI.
Ayon sa ulat, wanted si Na sa Korea dahil sa umano’y pagkakasangkot sa pekeng investments at panloloko sa kanyang kapwa Koreano matapos silang utusan na mag-invest sa non-existent accounts.
Nadakip si NA ng BI noong Mayo 2023. Nakakulong siya sa BI facility habang hinihintay ang deportation.
Nakabinbin ang deportation ni Na habang dinidinig ang kasong estafa ng isang Pinay, may-ari na maliit na jewelry business. Naging ahente umano ng alahas si Na pero kahit naibenta na ito, hindi naman ni-remit sa may-ari ang kinita.
Idinagdag din ni Viado na sinampahan na rin ng kaso ang mga tumulong kay Na upang makatakas.
“We have also assigned a special tracker team to locate him and again take custody,” saad ni Viado.
More Stories
Sudden-Death Semis: UST at NU Laban Para sa Final Spot sa UAAP Men’s Volleyball
131 LGUs Balak Kasuhan ng ARTA Dahil sa Kabiguan Magpatayo ng e-BOSS Laban sa Red Tape at Katiwalian
Truck ng Comelec Service Provider Nahulog sa Bangin sa CDO; 1 Patay