Ipinamalas ni triathlete Marion Kim Mangrobang ang tikas nang pagreynahan ang recent meet sa Pampanga. Dinomina nito ang National Duathlon Trials sa Clark Parade Grounds sa nasabing pook. Patunay ito na focus siya sa pagdepensa ng kanyang titulo sa Southeast Asia.
Masaya si Kim sa kanyang panalo sa nasabing torneo. Maghahanda na si Mangrobang sa ilang series of trainings sa susunod na taon. Sa gayun ay nasa kondisyon na siya.
Nababase siya ngayon sa Portugal at umuwi lang sa Pinas para lumahok sa torneo. Kabilang sa kanyang sasalihan ay ang 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam sa May 2022. Bukod pa sa Asian Triahtlon events kung saan idedepensa niya ang gold medal sa women’s triahtlon.
“Yey! It’s great to be back home to compete again. I clocked in 2:14:57 for the National Duathlon Trials (NDT) at Clark Parade Ground in Pampanga.” wika nito.
“Feeling Miss Universe winner lang. Cheers everyone!,” dagdag pa nito.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na