January 28, 2025

MANGINGISDANG NAVOTEÑO NAKATANGGAP NG TULONG SA BFAR

Binisita ni Congressman John Rey Tiangco ang pamamahagi sa 1,056 rehistradong mangingisda sa Navotas na unang batch na benepisyaryo ng lungsod sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco na nag-uwi ng P3,000 cash voucher na makukuha nila sa MLhuillier at P2,000 halaga ng food items, kabilang ang 25-kilo ng bigas, dalawang frozen chicken at dalawang trays ng eggs na ayuda sa kanila ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. (JUVY LUCERO)

Umabot sa 1,056 rehistradong mga mangingisda sa Navotas City ang nakatanggap ng cash at food subsidy mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Personal na binisita ni Congressman John Rey Tiangco ang pamamahagi sa unang batch na benepisyaryo ng lungsod na nag-uwi ng P3,000 cash voucher na makukuha nila sa MLhuillier at P2,000 halaga ng food items, kabilang ang 25-kilo ng bigas, dalawang frozen chicken at dalawang trays ng eggs.

“We are grateful to the Department of Agriculture and BFAR for extending help to our fisherfolk. Navotas is the first local government in Metro Manila to receive such assistance,” ani Mayor Toby Tiangco.

Nakapagtala ang Navotas ng 8,811 rehistradong fisherfolk as of August 2020. Sa bilang na ito, 7,291 kwalipikado para sa BFAR subsidy matapos na magsagawa ang ahensya ng crossmatching kasama ang iba pang mga programa sa tulong ng gobyerno.

Kabilang sa mga kwalipikadong benepisyaryo ang fishing crew, fish vendors and traders, fish porters, fish farmers, at iba pang fish workers.

Nag-alok din ang BFAR hanggang P25,000 loan na walang collateral at interest. Umabot sa 577 Navoteño fisherfolk ang nag-aply sa naturang programa.