
KULONG ang isang mangingisda nang malambat ng mga awtoridad matapos makuhanan ng shabu makaraang masita dahil walang suot na face mask sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Capt. Ferdinand Hermoso ang naarestong suspek na si Dino Garcia, 41, ng Kadamay St. Market 3, NFPC, Brgy. NBBN.
Sa imbestigasyon ni Pat. Jan Israel Jairus Rhon Balaguer, alas-9 ng gabi, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia sa Kadamay St. Market 3, NFPC nang makita nila ang suspek na walang suot na face mask.
Nang sitahin ng mga pulis, tinangkang tumakbo ng suspek subalit kaagad itong napigilan ni Pat Christian Cresencio. Nang tignan ni PSSg Marcelo Agao ang hawak ng suspek ay nakuha sa kanyang kamay ang dalawang plastic sachets na naglalaman hinihinalang shabu na nasa P800 ang halaga na naging dahilan upang arestuhin siya ng mga pulis.
More Stories
‘Pamilya Ko’ Partylist mainit na tinanggap sa bayan ng San Luis, Batangas
Imprenta ng balota sa midterm polls 92% na
MEKANIKO TINANIMAN NG TINGGA SA ULO