MABILIS ang naging pagresponde ng ‘Mangasar’ rescue team sa nangyaring banggaan ng dalawang motorsiklo sa JP Rizal, Maypajo, Caloocan City.
Ang mabilis na pagresponde sa naturang aksidente ay naging dahilan upang mabigyan ng papuri at pasasalamat mula sa mga netizen gamit ang kanilang Facebook account ang Mangasar Rescue Team.
Samantala, agad na dinala ang mga biktima sa malapit na ospital para makita at magamot ang mga tinamong sugat nito.
Ang litratong ito ay kuha mula sa opisyal Facebook account ni Konsehal Alex Mangasar ng nasabing siyudad.
Patuloy ang pagresponde ng Mangasar Rescue sa mga taga-Caloocan City at kung minsan maging sa mga karatig na lungsod.
Hindi hadlang ang pandemia sa mga nangangailangan ng tulong. Ang kasipagan at kabayanihan ng mga volunteers ng Mangasar Rescue Team ay dahil na rin sa suporta at pangunguna ni 2nd Dist Councilor Alex V. Mangasar na kanya ring itinatag maraming taon na ang nakakaraan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA