January 13, 2025

MANGASAR MOBILE CLINIC PATULOY SA PAG-ARANGKADA

PATULOY sa pag-arangkada ng mobile clinics ni Konsehal Alex Mangsar sa mga komunidad para magbigay ng libreng tulong medikal sa mga tao.

Nitong nakaraan lamang ay nakarating sa Barangay 8 sa Caloocan City ang mobile clinic ni Mangasar. Tinawag ito ng naturang konsehal bilang “Mangasar Community Caravan.”

Ano nga ba ang dahilan sa likod ng mobile clinic? Ipinaliwanag ni Mangasar na marami pang kinakaharap ang mga tao na problema sa kalusugan bukod sa coronavirus disease. Layon ng kanyang proyekto na makapagbigay ng health assistance sa mga pasyente na nangangailangan ng medikal na atensiyon.

Hindi lang kasi COVID-19 ang kalaban natin sa kalusugan. Nariyan ang cancer, heart disease, diabetis, hypertension at iba pa. Kaya kailangan rin silang bigyan ng agarang pansin.

Inilapit ni Mangasar sa kanila ang mga serbisyong medikal para wala na silang alalalahanin.

Ang check up na dati ay hirap silang makuha sa ospital, libre nilang makukukuha rito.