
NASUNOG ang kilalang fast food restaurant na Mang Inasal sa loob ng Lianas Supermarket sa Barangay Poblacion 4, Santo Tomas City, Batangas.
Ayon kay SFO2 Bernardo Zarraga, team leader ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Santo Tomas City, sumiklab ang sunog sa cooking area ng nasabing kilalang restaurant bandang alas-2:00 ng hapon nitong Sabado. Naapula ang apoy dakong alas-2:12 pm.
Tinatayang nasa P2.4 milyon ang halaga ng mga ari-ariang natupok. Walang napaulat na namatay o nasugatan. Inaalam pa ng mga imbestigador at mga kagawad ng BFP ang sanhi ng sunog. (KOI HIPOLITO)
More Stories
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
2 SALVAGE VICTIMS NATAGPUAN SA SEMENTERYO SA LAGUNA
Tuloy ngayong Abril 2… TAAS-PASAHE SA LRT 1 ‘DI NA KAYANG PIGILAN PA – PALASYO