November 5, 2024

MANDATORY MILITARY SERVICE NI SARA DUTERTE ‘DI LULUSOT KAY TRILLANES

Pinalagan ng retiradong Philippine Navy Officer at dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV ang hirit ni vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kung papaano niya mas gagawing aktibo ang mga kabataan sa nation-building.

Ayon kay Duterte-Carpio, dapat gawing mandatory ang military service.

“Nakikita po natin ito sa ibang bansa, sa Korea, Israel, hindi lang ROTC na isang subject, o isang weekend o isang buwan sa isang taon. Dapat po lahat po ng ating 18 years old, pagtuntong mo ng 18 years old you will be given a subsidy. You will be asked to serve the country doon sa ating Armed Forces of the Philippines,” ani Duterte-Carpio.

Binanatan naman agad ito ni Trillanes.

“Sara Duterte’s mandatory military service proposal is wrong on so many levels. It shows her lack of understanding on national security matters. Like her father, everything is about power tripping,” ayon sa Twitter post ng oposisyon na si Trillanes.

Kung siya ay muling mahalal sa Mayo 9, 2022, sinabi niyang sisiguraduhin niyang hindi ito maaaprubahan sa Senado.

“Kung papalarin ako manalo sa Senado, hindi ko palulusutin ‘yan,” saad ng dating senador.