
PINAMUNUAN ni Mayor Ben Abalos ang pagdiriwang ng No Smoking Month ngayong buwan ng June sa buong lungsod katuwang ang City Health Department.
Hinikayat ni Mayor Abalos ang mga MandaleƱo na makiisa sa kampanya ng pamahalaang lungsod na itigil na ang paninigarilyo at pag-vape na parehong may masamang epekto sa kalusugan ng tao.
Inihayag ni Dr. Benjamin Freddie Reyes na isa ang Mandaluyong sa mga local government units (LGUs) na aktibo sa pagpapatupad ng pagbabawal ng paninigarilyo at pag-vape.
Patunay aniya rito ang iba’t ibang hakbang ng pamahalaang lungsod katulad ng pagbabawal ng paninigarilyo at pag-vape sa mga pampublikong lugar at pagpataw ng parusa sa mga indibidwal na lumalabag sa batas na ito.
Mayroon ding smoking and vaping cessation program ang lungsod, sa pamamahala ni Dr. Myra Ang, na tutulong sa mga indibidwal na nais huminto sa bisyo ng paninigarilyo at pag-vape
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na