MAGKAKAROON ng world premiere ang pelikula ni Ms. Nora Aunor, dahil pasok ito sa The Jinseo Arigato International Film Festival sa Negoya Japan sa darating na May 25 – 26, 2024.
Ang nasabing pelikula na ‘Mananambal’ ay pinangungunahan nina Nora Aunor, Bianca Umali, Kelvin Miranda, Edgar Allan Guzman, Jeric Gonzalez, Martin Escudero at ang Director ay si Adolfo Borinaga Alix Jr.
“Laking sampal ito sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2024, dahil hindi nila ito pinaburan at ang pinaburan nila ay ang pelikula ni tanda.
“Samantalang iyong kay actress, hindi manlang nakasali dahil pang MMFF lang ang category ng kanyang pelikula kaya walang tapang na isali ito sa mga pang International Festival.
“Kung papalarin si National Artist Nora Aunor na manalo sa Best Actress category, isa na naman itong karangalan ng Pilipinas na ating maipagmamalaki sa ibang bansa,” chika pa ni Miss. Bubuwit na aking source.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA