KINONDENA ni Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro si Vice President Sara Duterte sa paggamit ng diversionary tactics sa pamamagitan ng kahindik-hindik na press conference, sa halip na sagutin na lamang niya ang maling paggamit ng confidential funds.
“Once again, Vice President Sara Duterte chooses to engage in theatrics and gossip, rather than facing the congressional committee to provide a transparent account of how the confidential funds of the OVP and DepEd were utilized,” saad ni Castro.
Sa isang press conference kahapon, binatikos ni Duterte ang kakayahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang lider ng bansa.
“The Filipino people deserve to know how public funds are being spent, especially in the education sector, which is in dire need of resources. Instead of trash talk, we demand accountability and clear answers,” dagdag ni Castro.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA