December 24, 2024

Maligayang Pasko, mga Cabalen

Bago natin simulant ang ating pitak na ito, binabati ko po kayo ng Maligayang Pasko, mga Cabalen.

Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. Masasabi nating ito na siguro ang pinakamasalimuot na Paskong mararanasan natin.

Alam naman natin na may mabigat tayong kinaharap sa taong ito. Lalo na ang pagsagupa sa COVID-19 pandemic.

Malaki ang naging epekto nito sa atin. Hindi po ba? Dahil sa pandemya, naparalisa ang ekonomiya.

Naging abnormal ang ating pamumuhay. May nawalan ng trabaho, may naulila, may nakaranas ng depresyon. Gayundin ng stress.

Nasaktan tayo sa mga nangyari. Lao na nga’t ang iba ay hindi makabisita o makakapiling ang mga mahal sa buhay ngayong Pasko.

Ito ay dahil sa ipnatutupad na ilang restriksyon upang di kumalat ang virus. Hindi ba’t pumalo na naman ang COVID-19?

Umakyat na naman ang bilang.  Heto yung sinasabi second strain. Kaya, nagbaba ng travel banang ilang bansa. Kung saan, bawal magtungo sa United Kingdom.

Grounded din ang ating mga kababayan mula roon na umuwi ng bansa. Pati ang kontinenteng COVID free ay naperwisyo na rin. Kaysaklap hindi po ba.

Hindi natin magawa ang kinagawian natin noon. Bukod dito, kaliwa’t kanang kalamidad pa ang ating nasagupa.

Lindol, bagyo— at ang mga after math effect nito na pagbaha, landslide, mudslide. Isama pa ang sunog.

Kung kaya, ilan sa ating mga kababayan ay malungkot ang pagdiriwang ng Pasko. Gayunman, may dapat tayong ipagpasalamat.

Kasi nga, buhay pa tayo at malakas. Nakararaos tayo sa araw-araw. Masasabing himala na ginagawa ng Diyos sa ating buhay.

Hindi man natin gaanong napapansin, pero nagtataka tayo. Na sa kabila ng bigat ng pagdadala ng buhay, heto tayo nakakatayo.

Taas noo pa ring naglalakbay at hinaharap ang hamon ng buhay. Salamat pa rin sa Diyos dahil sa kabila ng lungkot, naroon ang saya sa likod ng ating mga puso.

Magtiwala’t manampalataya lang tayo mga Cabalen. Malalampasan natin itong mga pagsubok sa atin. Maligayang Pasko sa inyo.