Hindi na gagamitin ang monicker na Malditas ng women’s football team. Mag-iiba na ang bibitbitin nilang katawagan sa ilang sasalihang torneo.
Naghahanda na ang Philippine Women’s National Football Team sa FIFA Women’s World Cup 2023. Katunayan, lilipad sila patungong Australia para sa preparasyon din sa 31st SEA Games.
Gayunman, babaklasin ng team ang monicker na ‘Malditas’. papalitan na ito ng ‘Filipinas’. Nakatakda rin silang humarap kay coach Alen Stajcic sampu ng staff nito sa Sydney. Sa gayun ay maikasa roon ang training camp.
Sasalang din sila sa iang laro. Kabilang ang pagharap sa Fiji sa April 7-11. Pagkatapos nun, tutulak sila sa Vietnam sa kaagahan ng Mayo.
“It is crucial that the team gets as much time as possible to prepare,” ani team manager Jeff Cheng.
“We hope that the work put in on this camp will bring great results in the upcoming tournaments,” aniya.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!