
Ginulat ng Malditas ang kalaban sa Asian Football Confederation Women’s Asia Cup India 2022.
Nagposte ang Malditas ng massive 6-0 sa pagdomina nito sa Indonesia. Ganito ang impresibong panalong naitala ng national women’s football team.
Naglista si Team Captain Tahnai Annis ng 2 goals para sa Malditas. Habang nag-ambag din ng goals ang 4 players nito. Sila ay sina Katrina Guillo, Sarina Bolden, Jessica Miclat at Malea Cesar.
Ang panalo ay pangalawa na sa tatlong laro team sa Group B. Dahilan upang umusad sa quarterfinals. Kung magwawagi sa Chinese-Taipei, papasok ang Pinas sa semis seat. Magkakaroon din ng slot sa 2023 FIFA Women’s World Cup.
More Stories
National Open C’ship sa Kalibo… RAVEN SIKARAN TANAY READY NA SA BAKBAKAN SA AKLAN!
PH WNM Arvie Lozano kampeon sa Laos FIDE Standard Chess tilt
TNT binanderahan ni Almond Vosotros sa 94-70 panalo vs NorthPort