Kinumpirma ng Civil Aviation Authority og the Philippines (CAAP) na tumulong na rin ang Malaysian authorities sa paghahanap ng nawawalang air ambulance sa Palawan.
Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, sumama na sa paghahanap ang Malaysian Police Airwing Department, Malaysian Air Force and Malaysian Coast Guard sa nawawalang yellow bee.
Sentro ngayon ng search and rescue operations ng Malaysian authorities ang bahagi ng boundary ng Pulau Banggi at Balabac sa Sabah, Malaysia.
Tiniyak naman anila ng Malaysian rescuers na hindi sila papasok sa teritoryo ng Pilipinas.
Lima ang lulan ng helicopter ambulance nang mawala ito noong Miyerkules matapos na magsundo ng pasyente sa Mangsee Island kahapon ng umaga.
Kabilang sa sakay ng chopper ang isang pilot,isang nurse,isang pasyente at dalawang kasama ng pasyente.
Nawalan ng signal ang air ambulance habang patungo sa Brooke’s Point, Palawan.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag