December 25, 2024

MALAYA: CASH AID PAYOUT TAPOS SA MAY 15

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Sabado na matatapos na maipamamahagi ang cash aid sa Metro Manila at apat na kalapit na lalawigan bago sumapit ang May 15 extended deadline.



Sa isang panayam,  sinabi ni DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya na natanggap na ng kwalipikadong recipients partikular sa Metro Manila ang payout kung saan karamihan nagrereklamo ng mabagal na cash distribution. “The distribution is well ahead of deadline, some NCR LGUs (local government units) can finish the distribution by the end of the month,” wika ni Malaya.

Dagdag ng opisyal na noong Abril 23, umabot  sa 66.87 percent ang distribution rate – ibigsabihin, P7,471,426,000 na ang naipapamahagi.


Nilinaw ni Malaya na P11,172 bilyon ang inilaan sa NCR.


Sa naitala nitong Biyernes, ibinunyag ni Malaya na umabot sa 11,172,988 recipients ang nakatanggap na ng cash aid sa NCR. Kabilang sa top five ang Mandaluyong, San Juan, Caloocan. Maynila at Quezon City.

Inutos din na mabilis na ipamahagi ang tulong pinansiyal sa Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na bumubuo sa NCR plus na nasa ilalim ng istriktong quarantine dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19.

Ipinunto din ni Malaya na pinal na ang May 15 deadline at hindi na palalawigin pa.