NAGBABALA si Senator Sherwin Gatchalian ngayong Sabado na mayroong banta sa energy security sa bansa dahil sa nauubos na ang natural gas na isinu-supply ng Malampamya natural gas field, pangalawa sa pinakamalaking pinagkukunan ng kuryente sa Luzon.
“We’re racing against time. If we fail to act now, we could be experiencing anew a debilitating rotational brownout by 2024 once our power supply from the Malampaya gas field is depleted,” ayon kay Gatchalian, chairman ng Senate committee on Energy.
Nanawagan si Gatchalian ng pamalit na fuel upang maiwasan ang posibleng rational brownout sa sandaling patuloy na mabawasan ang Malampaya natural gas output.
Dahil dito inihain ni Gatchalian ang Senate Bill No. 1819 para magkaroon ng national energy policy at framework upang maayos ang midstream natural gas industry ng bansa.
“The proposed Midstream Natural Gas Industry Development Act will encourage private capital and foster an open and fair competitive market while at the same time ensure safe, reliable and environmentally responsible operation of LNG terminals,” saad niya.
More Stories
FIESTA HARAYA 2024 NG DTI SA MARINDUQUE MATAGUMPAY NA NAIDAOS
IWAS HOUSE ARREST: ROQUE NAGPUNTA SA UAE
BENTAHAN NG ILLEGAL VAPES SA ONLINE SHOPPING APPS, TALAMAK