NAGBITIW ang tatlong opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa umano’y malawakang korapsyon sa ahensiya.
Isa sa mga opisyal na nagbitiw ay si PhilHealth anti-fraud leagal officer Thorrsson Montes Keith, dahil sa apat na dahilan.
Una ay ang pagkontra nito laban sa mandatory PhilHealth contribution ng overseas Filipino workers (OFW) na aniya’y unconstitutional at hindi bahagi ng Universal Healthcare law.
Pangalawa ay hindi umano patas ang promotion process na kailangan magkaroon ng imbestigasyon para rito.
Pangatlo aniya ay hindi ibinibigay ang kanyang suweldo at hazard pay sapul nang imbestigahan niya ang mga opisyal ng PhilHealth na sangkot sa korapsyon.
Habang ang pang-apat ay ang malawakang katiwalian sa ahensiya.
Samantala, hindi pa pinapangalanan ang iba pang opisyales ng PhilHealth na nagbitiw.
Ayon sa source ng Agila ng Bayan, nabunyag ang alegasyon ng korapsyon dahil sa mainit na argumento sa isang online Zoom meeting ng mga opisyales ng PhilHealth.
Kinukuhanan pa ng pahayag si PhilHealth President at CEO Ricardo Morales kaugnay sa isyu habang isinusulat ang balitang ito.
Noong Mayo, habang nasa kasagsagan ng giyera kontra COVID-19 pandemic, nanawagan si Senate Minority Leader Franklin Drillon ng reorganization sa PhilHealth dahil sa overpriced na COVID-19 testing packages.
Sabi ni Drilon may mga grupo sa PhilHealth na nagpapalobo sa presyo ng test kits.
Sinabi nito, P8,150 ang binabayad ng PhilHealth kada COVID-19 test, mas mataas sa presyo ng pribadong sector, tulad ng Philippine Red Cross, na P3,500 lamang.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA