Malaki ang tsansa na makabalik sa paglalaro sa PBA si Calvin Abueva. Ayon sa tinaguriang ‘The Beast’, kailangang makumpleto niya ang requirements na inilatag ng PBA.
Ginawa niya ang kondisyong ibinigay ni komisyuner Willie Marcial. Sinabi nitong nakumpleto na niya.
“Tapos na lahat, resulta na lang hinihintay,” saad ni Abueva sa latest episode ng Sports Page sa TV5.
“Hanggang ngayon yun ang hinihintay ko, kung ano sasabihin ni Commissioner sa ginawa ko.”
“Yun na lang ang hinihintay ko, yung pakiramdam na welcome ulit ako sa PBA,” dagdag ni Abueva.
Na-banned si Abueba sa PBA sapol noong Hunyo 2019 dahil sa ginawa sa nobya ni Ray Parks Jr na si Maika Rivera.
Nag-ala WWE star rin siya sa pag-clothesline kay TNT KaTropa import Terence Jones. Ayon naman kay PBA Commissioner Marcial, nakatakda siyang makipag-usap kay Abueva.
Natuwa naman siya sa pagbabago nito lalo na ang paghingi ng public apology. Gayundin sa outreach activities at therapy sessions nito. Kung saan, sumasailalim siya sa anger management.
Nakipagbalikan na rin siya sa misis niyang si Sam. Katunayan, nagbukas pa sila ng resto sa San Juan City. Ito ay ang ‘Dampa ni The Beast’.
“Ang laki ng pagbabago sa mga nangyari sa akin sa past year na dumaan. Naging malinaw sa pag-iisip ko kung ano dapat ang temper, dapat attitude sa mga tao.”
“Ang pinag-aaralan ko, yung emotion natural andyan yan kasabay sa laro, pero yung temper kailangan limitahan,” ani ng Phoenix Fuelmasters guard.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2