
Kasabay ng mainit na sikuhan sa nalalapit na BARRM election, nag-iinit din ang Malakanyang sa pag-imbestiga sa pondo nito.
Isa sa mga maaaring maharap sa imbestigasyon ng Palasyo ang Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil umano sa mga maanomalyang transaksyon nito.
Isa na rito ay ang pagpapalabas ng P1.7 billion mula sa kaban ng BARMM sa loob lamang ng isang araw para sa Learner’s Kits at Teacher’s Kits noong Marso 7, 2025.
Ayon sa insiders sa MBHTE, may mga testigo na nagpahayag ng kanilang nalalaman sa mga kwestionableng pagpapalabas ng pera para sa ilang programa ng ministry.
Hindi umano dumaan ang transaksyon sa Finance Division Chief para sa rebyu at lagda ng hepe nito ayon sa standard procedures at bilang pagtugon na rin sa mga tuntunin at polisiya ng pamahalaan.
Ang MBHTE, na pinamumunuan ni Minister Mohagher Mohammad Iqbal, ay may pinakamalaking budget na P36 billion na halos one-third ng kabuuang budget ng rehiyon.
Matagal ng nahaharap sa isyu ng korapsyon ang MBHTE, lalu ng alegasyon na ibinebenta ang naturang Teacher’s Kits sa mismong mga guro.
Nakialam din diumano ang kaniyang pamangkin na si Apsi Abas, na kilala sa MBHTE sa bansag na “Boss A” sa pagpapahinto ng training program na nakalaan sa mga guro dahil lamang hindi napili ang gusto niyang hotels bilang venues noong 2022.Naningil diumano ang mga hotel na nabigyan ng kontrata dahil sa hindi natuloy na training at nagbantang magdedemanda sa MBHTE.
Habang papalapit mga Cabalen ang eleksyon sa BARRM ay isa-isa nang lumalabas ang ibat-ibang reklamo ng mga taga-BARRM kontra sa paglulustay sa kaban.
More Stories
Pacers Bumawi, Tinambakan ang Thunder sa Huling Yugto para Makuha ang 2-1 NBA Finals Lead
Tulak, isinelda sa P340K droga
No. 4 regional top most wanted person, huli sa Caloocan