
MANILA — Pinarangalan ng gobyerno ang overseas Filipino workers (OFWs) sa “Konsyerto sa Palasyo” sa Kalayaan grounds ng Malacañang noong Linggo ng gabi.
Sa video message, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sakripisyo ng mga OFW na aniya’y nagpapalakas hindi lang sa kanilang pamilya kundi sa buong bansa.
“Kayo ang mukha ng galing at tapang ng Pilipino sa buong mundo,” ani Marcos.
Lumahok ang mga OFW at pamilya nila sa event, habang libo-libong iba pa ang nanuod sa watch parties abroad. Nag-perform din ang mga artist mula sa iba’t ibang rehiyon, kasama ang KSP Band, Primedance Manila, at OFW singer na si Reuben Laurente.
Kasama sa dumalo ang mga opisyal mula sa Department of Migrant Workers at iba pang ahensya na nagpatibay ng suporta ng gobyerno sa OFWs, kabilang ang expanded services abroad at libreng healthcare.
“Makakaasa kayo na laging nariyan ang pamahalaan,” pahayag ng Pangulo.
More Stories
2 SUSPEK SA KIDNAPPING NG BABAENG CHINESE, ARESTADO
Pinoy FM Ivan Travis Cu sa Hungary… SECOND BEST SA BUDAPEST CHESS
Impostor ng LTO Chief, Areŝtado sa Cubao