NAKATANGGAP ng maraming parangal mula sa Department of Interior and Local Government-National Capital Region (DILG-NCR) ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon, sa pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval para sa epektibo at mahusay nitong paghahatid ng mga programa para sa kapakanan, kaligtasan, at pagpapabuti ng buhay ng mga Malabueño.
“Isang karangalan para sa pamahalaang lungsod ang makatanggap ng mga pagkilala mula sa DILG-Ncr para sa ating patuloy na pagbibigay ng dekalidad na serbisyo publiko sa mga Malabueño na nagresulta sa mga tagumpay para sa Malabon. Ito ay patunay ng ating serbisyong tapat, walang pinipili, at nakatuon para sa lahat ng aspeto sa pagpapaunlad ng buhay ng bawat Malabueño,” ani Mayor Jeannie.
Sinabi ng DILG na ang mga parangal ay ibibigay sa pamahalaang lungsod para sa mga makabuluhang kontribusyon at namumukod-tanging pagganap nito sa iba’t ibang audit, parangal, at pagtasa bilang bahagi ng seremonya ng 2024 Urban Governance Exemplar Awards sa Oktubre 28.
Tinukoy ng pambansang ahensya ang Malabon LGU bilang Top Performing LGU sa Peace and Order Council (POC) Performance Audit at Anti-Drug Abuse Coucil (ADAC) Performance Audit, at ang Most Improved LGU sa LGU Compliance Assessment ng Manila Bay Clean- Up, Rehabilitation, at Preservation Program.
Kinilala rin ito sa namumukod-tanging pagganap nito sa Local Committee on Anti-Trafficking –Violence Against Women and their Children Functionality Audit, Local Council for Protection of Children Functionality Audit, Peace and Order Council, Anti-Drug Abuse Council, at Child-friendly Local Government Audit.
Ayon kay Mayor Jeannie, kinilala ang pamahalaang lungsod dahil sa patuloy na pagsusumikap nito sa pagbibigay ng mga programang pangkabuhayan para sa mga magulang ng mga dating/kilalang child laborer; clean-up drive, programa sa baybayin ng Manila Bay at mga daluyan ng tubig sa lungsod; enhanced community-based drug rehabilitation program na tumutulong sa mga taong gumamit ng droga; feeding programs, pamamahagi ng mga school kits at iba pang inisyatiba para sa mga mag-aaral.
Ayon sa DILG, ang 2024 Urban Governance Awards, na may temang “Upholding Excelence to Local Governance Towards an Inclusive, Resilient, and Safe NCR,” ay naglalayong isulong ang epektibo at sustainable na pamamahala ng mga LGU sa Metro Manila sa pamamagitan ng pagkilala sa namumukod-tanging pagganap ng lokal na pamahalaan at inspiring others to adopt their best practices.
“Itong mga parangal na ito ay nagsisilbing paalala para sa atin dito sa Malabon LGU na mas pagbutihin pa ang pagbibigay ng serbisyo at pagpapalawak ng mga programa para sa patuloy nating pag-unlad at pag-ahon,” sabi ni City Administrator Dr. Alexander Rosete.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA