HAWAK na ngayon ng Bureau of Customs (BOC) Port of Cagayan de Oro (CDO) ang 116 kahon ng smuggled na mga sigarilyo matapos i-turnover ng mga tauhan ng Malabang Municipal Police Station (MPS).
Sa report ng Malabang MPS, isang unidentified motorized pump boat ang may kargang kahong-kahong sigarilyo sa Barangay Tambara, Malabang, Lanao del Sur.
Sa isinagawang beripikasyon, narekober ng mga awtoridad ang 116 kahon ng mga sigarilyo na may halagang P9.3 milyon.
Agad naglabas si District Collector Alexandra Yap-Lumontad ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa mga item sa paglabag sa RA 10863, o kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), matapos makatanggap ng rekomendasyon mula kay District Commander SP/Captain Abdila Maulana Jr. ng Enforcement Security Service (ESS-CDO).
“The BOC closely coordinates with partner-agencies to monitor activities along national borders and enhance enforcement operations,” ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio.
“We will not tolerate smuggling and similar acts that rob the national government from collecting lawful revenues. We will also ensure that appropriate charges will be filed against involved individuals or groups,” dagdag pa nito.
Patuloy na palalakasin ng BOC, sa ilalim ng liderato ni Commissioner Rubio ang pagkikipagtulungan sa law enforcement agencies upang matiyak na mahigpit na maipatutupad ang border protection measures.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!