March 1, 2025

Makalipas ang 11 taon… 5 SALARIN SA PAGDUKOT AT PAGPATAY SA KOREANA, HINATULAN NG HABAMBUHAY

Limang indibidwal na akusado sa kidnapping for ransom at homicide ng isang Koreana na babae 11 taon na ang nakakalipas ay nahatulan ng guilty ng isang regional trial court, ayon sa Department of Justice (DOJ).

Ginawa ng DOJ ang pahayag batay sa 21-pahinang dedisyon nng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 24 na ipinalabas noong Pebrero 18.

Hinatulan ni Judge Benedict Medina sina Ronel Mongado y Seda, Rowel Mangado y Seda, Alex Buenaobra, Jimmy Manlapaz y Gabatin at Sergio Natad y Balog  ng “guilty beyond reasonable doubt.”

Kasama sa kanilang conviction ang parusa ng reclusion perpetua nang walang eligibility ng parole.

Sila ay obligadong magbayad sa mga naulila ng Koreana na babae ng P100,000 bawat isa bilang moral damages, civil indemnity at exemplary damages.

Sinabi ng DOJ na nagsimula ang kaso noong Marso 3, 2014 nang sapilitang dukutin si Ji Won Lee ng lahat ng mga akusado upang mangikil ng ransom mula sa kanyang pamilya.

Kahit na ang kabuuang P17,000 ay ibinigay sa mga perpetrator, pinatay pa rin si Lee ay patay habang nakakulong.

Dagdag pa rito, isang si Jullie-Ann Traboco y Tongga ay nahatulan ng guilty bilang isang accessory sa krimen. Siya ay nahatulan ng parusa na nasa pagitan ng limang taon hanggang walong taon ng pagkakakulong.

Siya ay obligadong magbayad sa naulilang pamilya ng biktima ng P12,500 bawat isa para sa civil indemnity, moral damages at exemplary damages.

Ang isang kasamang akusado na nakilala lamang bilang “Paks” ay nanatiling unknown. Hindi rin malinaw ang ebidensya tungkol sa ulat na pagkamatay ng akusadong si Rene Natad sa isang engkwentro.

Sinabi ng RTC na isang alias arrest warrant ang ilalabas at ang kanilang mga kaso ay ia-archive hanggang sa may boluntaryong pagsuko o pag-aresto.