LUMAGDA sa isang kasundian ng Bureau of Immigration at Council for the Welfare of Child (CWC) upang maisulong ang Makabata Helpline 1383 na naglalayong labanan ang sexual predators at makapagbigay ng proteksyon sa anumang uri ng karahasan at panganib sa mga kabataan sa Pilipinas.
Sa paglagda sa kasunduan ay mas lalo pang paiigtingin ng Bureau of Immigration ang inisyatibang palawakin at seryosohin ang pangangalaga sa mga kabataang Filipino.
Sa ilalim ng isang memorandum of understanding (MOU) na nilagdaan nina BI Commissioner Norman Tansingco at CWC Undersecretary Angelo Tapales ay isinusulong ang Makabata Helpline 1383 na magpoprotekta sa mga kabataan sa anumang uri ng karahasan at panganib.
Ayon kay Tansingco, na ang pagpapalaganap ng Makabata Helpline ay magagamit sa pagtanggap ng ulat, reklamo at impormasyon patungkol sa child abuse at protection issues, sa ilalim ng #ShieldKids campaign.
“The partnership with the CWC’s Makabata Helpline is a significant step in our commitment to protecting the most vulnerable in our society. By defending our children, we safeguard our future,” dagdag ni Tansingco.
Hinikayat ng BI at CWC ang concerned citizens na isumbong ang mga foreign sexual predators sa Makabata Helpline 1383 o sa BI Commissioner helpline sa Facebook.com/immigration.helpline.ph.
Binigyang-diin ni Tansingco ang kahalagahan ng focused approach sa pagharap sa child exploitation, lalo na’t dumarami ang nagtatanggkang pumasok na registered sex offenders sa ating bansa.
“The threat against our children is real and imminent. With the reopening of our borders post-pandemic, we have seen a rise in attempts by sexual predators to enter the country. We must protect those who rely on us for their safety,” saad ni Tansingco. (ARSENIO TAN)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA