TUNAY na action man at hindi ningas-kugon lamang.
Nasa kanyang ika-30 araw pa lang bilang director ng CIDG, wala nang masulingang lungga ang mga salot ng lipunang namemerwisyo sa mamamayang nais lang ay katiwasayan at kapayapaan sa komunidad at pamayanan.
Patuloy ang ningas ng kanyang adbokasiya at katungkulanan sa direktiba ni PNP Chief Debold Sinas na atas ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa isang ideyal na lunduyang wala nang kinatatakutang masasamang elemento sa bayan ni Juan.
No dull moments sa mga awtoridad partikular sa CIDG sa mga ikinakasang pagsakote sa mga kriminal lalo na iyong mga organized at bigtime lokal man o dayuhan.
Ilang mga MWP’s (most wanted persons) tulad ng mga killers, kidnappers, hijackers, scammers, swindlers o estapador, rapists, mga sindikato atbp ang nalambat na ng operatiba ng CIDG sa kooperasyon ng local authorities at lgu’s, kung kaya nabawasan nang sobra ang mga masasamang elemento sa ating pamayanan.
Heto ang latest, matapos ang serye ng operations ng pinagsamang elemento ng NCR-CIDG, RID NCRPO, RMFB NCRPO at RHPU-NCR, arestado ang 13-katao kabilang na ang isang PNP personnel, kawani ng Imus, Cavite Mayor’s Office at isang Chinese national na nagresulta ng aprehensiyon at kumpiskasyon ng matataas na kalibre ng firearms at ammunitions sa Makati City.
Ang naturang operasyon ay mabilis na responde ng CIDG kaugnay ng kidnapping na nangyari sa BF Resort Village sa Las Pinas City.
Ayon kay PBGen Albert Ignatius Ferro, inilalarawan lang operasyon ang marubdob na hangarin ng CIDG na tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan ng bansa kung saan ay ligtas ang taong manirahan, magtrabaho at magnegosyo para sa kanilang kabuhayan, gayundin ang sumunod sa direktiba ng CPNP sa kagustuhan ni PMGen. Ferro na maibalik ang glory days ng CIDG.
Hats off and mabuhay, SIR!
Lowcut: Deserve ng Davao City Cocolife Tigers ang magkampeon finally sa national finals ng MPBL Lakan Cup. Posibleng sa Game 4 ( Linggo) o Game5 (Lunes) kontra tormentor nilang San Juan Knights noong nakaraang taong Datu Cup via breaks of the game. This time, Davao Cocolife will never let it loose. Roar TIGERS go!
More Stories
Andres Bonifacio, Dangal at Bayaning Pilipino
Construction worker, tiklo sa P7.8 milyon shabu sa Caloocan
Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas tree… NAVOTAS, BINUKSAN ANG BAZAAR, INILUNSAD ANG LIBRENG WI-FI