BAKIT mayroon tayong kahanay na mga alagad ng pamamahayag ang ‘di tumutupad sa tungkuling maging neutral at makatotohanan sa pagtrato ng impormasyon at maging kabahagi ng ‘building a nation’?
Sila iyong mga lantaran at garapalang nagkakalat ng balintunaang balita upang ikundisyon ang mamamayan sa maling paniwala.
Bakit sila pa ang nagiging instrumento ng mga mas maiimpluwensiyang pahirap sa lipunang ayaw ng pagbabago upang manatili silang may kontrol sa lahat nang aspetong kabuhayan ng mamamayan.
Sila ang mga tunay na nagsasamantala sa tinatamasang demokrasya at gamit ang malayang pamamahayag upang batikusin, siraan at ibagsak ang di nila matanggap na lider ng bansa pero tiwala naman ang mayorya ng sambayanan sa administrasyong nagpapatupad ng tunay na pagbabago para sa kapakanan ng bayan.
Sila ang mga mamamahayag na may singkaw sa ilong na ikinabit ng kanilang panginoong oligarko kaya hangga ngayon ay hirap sa pag-usad ang bayan ni Juan na di naman susuko hanggat di nakakamit ang tunay na pagbabago na idinidigma na ating Pangulo.
Kapag may makabuluhang proyekto para sa pagsulong ng mamamayang Pilipino ay sanib puwersa ang mga oposisyon, oligarko, makakaliwa, kaparian pati mga iskolar ng estado na nabobo na ng maling paniniwalang isinusubo ng kakampi at kakomplut na biased mainstream media.
Bakit ayaw niyong makiisa upang umasenso na ang ating bansang watak-watak at tigib ng pagsubok ng pighati gawa ng tao at ngitngit nang kalikasan?
Tayo ang pinakamadasaling tao sa dakong ito ng mundo sa ilalin ng araw pero binibiyayaan tayo ng mga kababayang pasaway ,patusuhan, pasiklab na wala namang batbat, ganid at traydor sa bayang ang kalakaran ay ang survival of the fittest sa lupang ating hinirang na mistula nang banana republic sa kagagawan ng iilan.
Bakit ang pinasisikat ng mainstream media ay iyong mga salungat at salot sa lipunan? Mas BALITA ba sa kanila, ang krisis, patayan, away – pulitika, kriminalidad, droga sa gitna ng kalamidad at mga radikal na kilusan kesa sa asenso at tagumpay ng bayan? Mainstream media… BAKIT?
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE