Sa panahon ngayon ng pandemya mga Ka-Sampaguita, mahalaga ang suplay ng pagkain. Tanggapin natin ang katotohanan na pagkain pa rin ang mahalaga sa buhay ng tao.
Kapag ganito ang usapan, pumapasok ang sektor ng agrikultura. Sa agrikultura nagmumula ang ating pagkain.
Ang mga hilaw na sangkap gaya ng prutas, gulay at poultry products ay galing sa sa nasabing sektor.
Pagdating sa lamang-dagat, ang sektor ng pangisdaan naman ang bida. Sa dalawang sektor na ito nagmumulaang ating kinakakain.
Kaya, dapat na pahalagahan sila. Alagaan at bigyang pansin. Kaya, natutuwa tayo sa mungkahi ni Quezon Province Rep. Mark Enverga.
Aniya sa kapwa mambabatas, dagdagan ang stimulus funds sa Bayanihan II para sa mga farmers at fisherfolks.
Ayon pa sa chairman ng House Committee on Agriculture, talagang kailangan ngayon ng agriculture sector.
Sa panahon ng pandemya,mahalaga ang mag-generate ng income rito. Lalo na’t tumaas ang produksyon ng crop at fishery.
Ang nasabing sector ay may budget na P20-B. Ito ay gagamitin sa direct cash o loan interest subsidies. Kailangan aniyang tutukan ang food security.
Panawagan ni Enverga, dapat dagdagan pa ng P10-B ang pondo. Sa gayun ay mapalakas ang sektor. Mahalaga ito upang ma-motivate ang ating farmers at fisherfolks.
Maraming nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemic. Ngunit, ang nasabing sektor ay patuloy. Dahil hangga’t may lupa’t tubig, patuloy na mapapakinabgan ang biyaya.
Biyayang galing sa Diyos sa pamamagitan ng kalikasan. Adios Amorsekos.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino