November 22, 2024

Mainam ang Clinical trials sa lagundi bilang pantulong na lunas sa mga may COVID-19

Muli, isa na naman pong magandang araw sa inyo, mga minamahal kong mga kababayan. Mga ginigiliw kong mga Ka-Sampaguita.
Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. Nawa’y hindi magmaliw ang di nauubos na biyaya’t pagpapala ng Panginoong Diyos. 

Ang ating kinauukulan ay naghananap ng alternatibong lunas COVID-19. Isa sa pinag-aaralan nilang salik ay ang mga halamang gamot. Biyaya ng Diyos ang herbal medicines na halos 85 porsiyento ay nililinang bilang gamot sa iba’t ibang sakit.

Isa sa potensiyal na lunas sa Coronavirus ay ang Lagundi. Karaniwang lunasang halamang ito sa ubo. Sa pamamagitan ng pagpapakulo ng dahon nito, maaaring inumin ang pinaglagaan. Isa itong anti-cough at anti-asthma medicine.

Kaya naman, isinasailalim sa clinical trials ang lagundi sa Agosto bilang pantulong na gamot sa COVID-19. Ang lagundi kasi ay may anti-viral properties. Kaya susubukan ng DOH at DOST ang halaman bilang remedyo sa COVID-19 syntoms. Gagamitin din ito bilang supplemental treatment para sa mga pasyente ng COVID-19.

Mainam na inaprubahan ng University of the Philippines Research Ethics Board ang trials sa lagundi. Bukod sa nasabing halaman, tinitingnan din ang tawa-tawa bilang panlunas. Gayundin ang virgin coconut oil.

Tama ang layuning ito ng kinauukulan. Malay natin, ang gamot pala sa COVID-19 ay nasa mga simpleng halaman lang. Halaman na kaloob ng Maykapal para sa atin upang magamit bilang lunas.

Harinawang pumasa sa clinical trials ang lagundi upang mapakinabangan ito at magamit bilang gamot sa mga dinapuan ng COVID-19. Adios Amorsekos.