
Isa sa mga inaabangan ng mga boys si Maika Rivera sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano. Kahit kami ay inaabangan namin ang nasabing newly star. Bale, napasama sa cast si Maika noon pang buwan ng Abril.
Member si Maika ng Star Magic Artist at kabilang sa grupong “GirlTrends”. Bago siya pumalaot sa pag-aartista, siya ay isang tennis player.
Paborito siyang panoorin ng mga barako. Nagagandahan sila kay Maika dahil ang lakas ng sex appeal.
“Siya talaga ang inaabangan ko, yung mga eksena niya. Kaya tutok ako sa Ang Probinsyano,” sabi ng isang kaibigan namin.
Batay sa takbo ng istorya, magdadalang-tao si Maika at ang ama ay ang pekeng presidente na si Oscar Hidalgo. Kamakailan lang ay nadawit ang name ni Maika.
Na siya raw ang tinutukoy na blind item sa breakup nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Pero, itinanggi iyon ng magandang aktres.
More Stories
“PAALAM, SUPERSTAR! Nora Aunor, inilibing na sa Libingan ng mga Bayani”
Barni, anak ni Hajji Alejandro, nagluksa sa Social Media—“I’m gonna miss you forever, Daddywaps”
MGA ILLEGAL NA TINDAHAN, VIDEOKE AT EATERIES SA MATABUNGKAY BEACH, IPAPAGIBA NA NG KORTE SUPREMA