December 24, 2024

MAIBIGAY NA SANA AGAD RISKS FEE ATBP BENEPISYO SA MGA HEALTH WORKERS

Mahalaga ang mga health worker sa panahon ngayon ng pandemic. Sila ang nagsisilbing haligi upang maasikaso ang mga kababayan nating maysakit. Lalo na ang tinamaan ng COVID-19.


Mahirap para sa kanila ang mawalay sa pamilya. Nawawalan na sila ng oras na makapiling sila. Ito’y dahil sa tutok at babad sila sa kanilang tungkulin. kaya, mahalaga na maibigay sa kanila ang kanilang hinihinging risks fee.


Ramdam ng mga health worker ang hirap na kanilang pinagdadaanan. Kaya, para ano baga ang ibigay sa kanila ang kanilang dinadaing. Para ganahan at ipagpatuloy pa nila ang kanilang serbisyo.


Sa gayun ay maiwasan ang kanilang kilos-protesta. Ayon sa kanila, maliit ang ibinibigay na allowances sa kanila. Sa kanilang food at transportation allowance at iba pa. Insulto anila ang P700 at P200 na pakonsulwelo.


Kaya naman, dinaan nila sa protesta ang kanilang daing at panawagan sa DOH. Na sana ay ibigay sa kanila ang nararapat na bayad sa serbisyo at tungkulin.


Sa panig naman ng Department of Health (DOH), humahanap na sila ng pondo para punan ang ibibigay na mga benepisyo. Lahat ng kilos at pamamaraan ay nakaugnay sa Department of Budget and Management (DBM). Sana naman ay magawan agad ng paraan ito sa lalong madaling panahon.


Dahil kung hindi, baka mapilay ang serbisyong medikal mula sa mga health workers. Na hindi biro ang kinakaharap na hamon sa panahon ngayon.