
Matapos ang malaking rollback ngayong linggo, maghanda na ang mga motorista sa panibagong mahigit P1 na taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa fuel price forecast ng Jetti Petroleum, ito ang inaasahang galaw ng presyo:
- Diesel: +P1.10 hanggang P1.40/litro
- Gasolina: +P1.30 hanggang P1.60/litro
Ang pagtaas ay bunsod ng kakulangan sa suplay ng langis sa mundo, dulot ng tensiyon sa Iran at bagong sanctions ng US. Dagdag pa rito ang plano ng OPEC na bawasan ang produksyon, pati na rin ang maintenance season ng mga refinery.
Ang opisyal na anunsyo ng mga kumpanya ng langis ay ilalabas sa Lunes, at ipatutupad sa Martes, Abril 22.
Noong Abril 15, bumaba ang presyo ng gasolina ng P3.60, diesel ng P2.90, at kerosene ng P3.30 kada litro.
More Stories
KAGAWAD TIMBOG SA PANINILIP SA DALAGITA!
3 SUSPEK SA PAGDUKOT AT PAGPATAY SA CHINESE BUSINESSMAN, ARESTADO NA
Panahon na Para sa Tunay na Partido, Hindi Personalidad